⚠️ MGA PAALALA

Ang OEC ay required lamang sa mga naka permesso di soggiorno LAVORO Subordinato | Attesa Occupazione para sa mga manggagawang manggagaling sa bansang Italya.

Ang OEC ay valid lang ng 60 days.

Strictly by appointment ang pagkuha ng OEC.

Requirements (Original copy of the following);

  1. Passport
  2. Permesso di Soggiorno (Lavoro Subordinato | Att. Occupazione)
  3. Proof of Employment - Latest bolettino INPS | Latest Bustapaga

TUTORIAL: Paano mag register sa DMW Online Processing System for Balik-Manggagawa (POPS-BaM)

1. Gamit ang web browser ng inyong laptop o cellphone, pumunta sa https://onlineservices.dmw.gov.ph.

2. i-Click ang 'Let's Go' button ng e-Registration module.

POPS1_D.png

POPS2_D.png

3. i-Click and "Register" link.

4. i-Click and "I Accept the Terms of Use" button.

POPS3_D.png

POPS4_D.png

5. Sagutan and "Registration Form" at i-Click ang "Register" button.

6. Ipapadala sa inyong email address ang inyong panandaliang password at e-Registration Number.

POPS5_D.png

POPS6.png

7. Ulitin and Step 1 at Step 2. Mag login gamit ang panandaliang password na pinadala sa inyong email.

8. Hihingan kayo ng panibagong password, ilagay ang password na madali niyong matandaan.

POPS7_D.png

POPS8_D.png

9. Pumunta sa "Dashboard". Mag upload ng Profile Picture at kopya ng Passport.

10. Pumunta sa ‘My Profile’ at sagutan ang mga hinihinging impormasyon.

  1. Click ang Add New Identification button at ilagay ang mga detalye ng inyong Pasaporto at Pag-IBIG.
  2. Click ang Add Beneficiary button at ilagay ang mga detalye ng inyong beneficiary.